Serbisyo sa Pagboto na Magagamit na Ngayon ng Lahat ng mga Botante

Noong 2017, ang County ng San Mateo ang unang county sa California na naglagay ng Sistemang Magagamit sa Malayo na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (RAVBM) para sa mga botanteng may kapansanan. Ang Estado ng California ay nagpahintulot sa lahat ng mga botante na gumamit ng inaprubahang mga sistema ng RAVBM bilang isa sa kanilang mga opsyon sa pagboto para sa Nobyembre 3 na Pampanguluhang Pangkalahatang Halalan dahil sa COVID-19. Dahil ang COVID-19 ay nananatiling inaalala, muling ipinahintulot ng estado sa lahat ng mga botante ang opsyon para sa Setyembre 14, 2021 na Halalan ng Pagpapaalis sa Gobernador ng California upang bumoto mula sa bahay kung sila ay may computer na may access sa internet at printer. Pagkatapos ng malawakang paggamit nito sa dalawang halalan, ang kakayahang gamitin ang RAVBM ay mananatiling magagamit ng lahat ng mga botante sa mga halalan sa hinaharap.

Kung ang isang botante ay walang computer, access sa internet o printer, ang sistemang ito ay magagamit sa Registration & Elections Division, 40 Tower Road in San Mateo gayon din sa mga lokal na aklatan. Ang mga minarkahang balota ay dapat ibalik sa Dibisyon ng mga Pagpaparehistro at mga Halalan sa pamamagitan ng koreo; ang mga ito ay hindi maaaring ipadala sa email o fax maliban kung kayo ay botanteng militar o nasa ibang bansa.

Ang balota ay ibinibigay sa isang format na mababasa sa screen dahil ang sistema ay idinisenyo upang bigyan ng kakayahan ang mga botanteng may kapansanan na independiyente at ligtas na ma-access, markahan at i-print ang kanilang balota.

Ang mga balota ay maaaring ibalik gamit ang sobreng bayad na ang selyo na dumarating kasama ng pakete ng balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo o paggamit ng isang personal na sobre. Kung ang sobreng bayad na ang selyo ang ginamit, dapat pirmahan ng botante ang nakalaang espasyo sa likod. Kung personal na sobre ang ginamit, dapat magsama ang botante ng isang kinumpletong form ng Panunumpa ng Botante, na matatagpuan sa pahina ng mga instruksyon sa personal na link sa Magagamit sa Malayo na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.

Kailan
when icon
Gamitin ang serbisyo kahit kailan, araw, o gabi mula sa araw ng pagbubukas hanggang sa Araw ng Halalan. Ang mga balota na ibinalik sa pamamagitan ng koreo ay dapat magtaglay ng isang pinirmahang form ng Panunumpa ng Botante at matatakan ng koreo bago lumampas ang Araw ng Halalan.
 
Paano
what icon
  • Pumunta online dito at ipasok ang inyong impormasyon upang makahanap ng isang link sa inyong balota; o
  • Mag-email sa amin sa registrar@smcacre.gov o tumawag/mag-text sa 650.312.5222 kung kayo ay may mga tanong.
 
Magagawa ng mga Botante na:
how icon
  • Mag-print ng isang balota mula sa alinmang computer na may access sa internet at printer.
  • Ma-access ang mga computer na may mga screen reader, screen magnifier at printer sa Registration & Elections Division – 40 Tower Road, San Mateo, o
  • Mag-email sa registrar@smcacre.gov o tumawag sa 650.312.5222 para sa tulong sa sistemang Magagamit sa Malayo na Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.
 
Remote Accessible Vote by Mail System