Letter from Chief Elections Officer

Ika-16 ng Marso, 2018

Mahal Naming mga Kapwa Botante:

Ikinalulugod kong isumite sa inyo ang Plan sa Pangangasiwa ng Halalan (EAP) ng County ng San Mateo para sa pagpapatupad ng Batas sa Pagpili ng Botante ng California (Panukalang-batas 450 ng Senado).  Ang napakahalagang batas na ito ay nag-aawtorisa sa 14 na county, kabilang ang San Mateo, na magsagawa ng anumang halalan bilang Lahat ay Ipinakokoreong Balota/Sentro ng Pagboto na Halalan, na magsisimula sa Enero 2018.  Ipinagmamalaki ng County ng San Mateo na maging isa sa unang limang county sa estado na magsasagawa ng Pambuong-estadong Tuwirang Primaryang Halalan ng Ika-5 ng Hunyo, 2018 sa ilalim ng mga tadhana ng Batas sa Pagpili ng Botante ng California.

Ang EAP ng County ng San Mateo ay ang bunga ng malawak na pagsusuri at proseso ng komento na umabot ng ilang buwan. Ang plano ay binuo na may hangaring magkaloob sa publiko ng detalyadong impormasyon tungkol sa pangangasiwa ng mga halalan sa ilalim ng Batas sa Pagpili ng Botante ng California.  Kasama rin dito ang Plano sa Edukasyon ng Botante at Pag-abot ng County na detalyadong nagbabalangkas ng mga plano sa edukasyon ng botante at pag-abot ng County upang itaas ang paggamit ng lahat ng botante, partikular ang mga botanteng may kapansanan at minorya sa wika.

Ang EAP ay binuo sa pakikipagsangguni sa mga miyembro ng pangkalahatang publiko at sa Komite sa Pagpapayo sa Kakayahan sa Pagboto (Voting Accessibility Advisory Committee, VAAC) at Komite sa Pagpapayo sa Paggamit ng Wika (Language Accessibility Advisory Committee, LAAC) ng County.  Bilang karagdagan, ang dokumento ay nagsama ng mga komentong natanggap habang ginagawa ang tatlong pampublikong pagdinig na tinukoy ng Batas. Lahat ng komentong natanggap sa panahon ng proseso ng pampublikong pagrepaso at ang mga komentong isinama sa EAP ay maaaring matagpuan sa seksyon ng Plano na may titulong “Mga Komento ng Publiko sa Burador na EAP at mga Sagot.”  

Ang EAP ay pormal nang isinumite sa Kalihim ng Estado para sa pinal na pag-aproba. Ang proseso ng pagrepaso at pag-aproba ng Kalihim ng Estado ay kukumpletuhin bago lumampas ang ika-2 ng Abril, 2018. Sa sandaling aprobahan ng Kalihim ng Estado, ang EAP ng County ng San Mateo ay magiging opisyal na plano para sa pangangasiwa ng mga halalan sa ilalim ng Batas sa Pagpili ng Botante ng California.

Gusto kong personal na pasalamatan ang mga botante ng ating county at lahat ng apektado na lumahok sa pagbuo ng Plano sa Pangangasiwa ng mga Halalan Ayon sa Batas sa Pagpili ng Botante para sa kanilang dedikasyon at pagtatalaga ng sarili sa pagpapalawak ng mga pagkakataon sa pagboto para sa lahat.   

Mangyaring kontakin ang Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan sa 650.312.5222 o registrar@smcacre.org kung kayo ay may mga tanong tungkol sa Batas sa Pagpili ng Botante o sa ating EAP. 

Matapat,

Mark Church