Plano sa Edukasyon at Pag-abot sa Botante
PANGKALAHATANG-TANAW
Ang Batas sa Pagpili ng Botante ng California (VCA) ay nag-aatas sa County na bumuo ng isang Plano sa Edukasyon at Pag-abot sa Botante na nagbibigay ng impormasyon sa mga botante sa lahat ng aspeto ng VCA, kabilang ang mga lokasyon ng Sentro ng Pagboto at Hulugan ng Balota, at impormasyon na ispesipiko sa mga botanteng may kapansanan at mga botanteng hindi Ingles ang pinili. Ang mga pampublikong pulong ay isasagawa sa pamamagitan ng mga organisasyong pangkomunidad at mga indibidwal na nagtataguyod sa ngalan ng, o nagkakaloob ng mga serbisyo sa, mga grupong ito. Ang County ay magsasagawa rin ng maraming pampublikong palihan sa edukasyon, na may mga nakahandang tagasalin para sa mga nagsasalita ng wikang Kastila, Tsino, Filipino, at Koreano. Lahat ng pampublikong ginaganap na isinagawa ng County ay angkop sa ADA.
Ang County ay nagtrabahong kasama ng Komite sa Pagpapayo sa Kakayahan sa Pagboto (Voting Accessibility Advisory Committee, VAAC) at Komite sa Pagpapayo sa Paggamit ng Wika (Language Accessibility Advisory Committee, LAAC) upang bumuo ng Plano sa Edukasyon at Pag-abot sa Botante, na isusumite sa opisina ng Kalhim ng Estado para sa pagsusuri at pag-aproba.
Katulad ng aming mga pagsisikap sa pag-abot sa komunidad at kamalayan ng publiko bago dumating ang Lahat ay Ipinakokoreong Balota na Halalan ng Ika-3 ng Nobyembre 2015, ang County ay makikipag-ugnayan sa mga organisasyong pangkomunidad, ahensiya, paaralan at ibang mga grupo upang itaas ang kamalayan sa bagong modelo ng halalan. Ito ay isasama sa isang malawak na kampanya ng media gamit ang tuwirang koreo, media ng balita (kabilang ang mga pahayag ng estudyante), social media (tulad ng Facebook at Twitter), at media ng paggamit ng publiko upang ipahayag ang pagpapatupad ng VCA. Ang kampanya ay magtataguyod ng walang-bayad na nakahandang linya ng tulong sa botante, magbibigay ng impormasyon sa mga botante kung paano kunin ang kanilang balota sa isang madaling magamit na anyo, at magkakaloob ng mga serbisyo sa iba't ibang wika at magagamit ng mga taong may kapansanan sa pagdinig.
Ang Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan ay makikipag-ugnayan sa mga organisasyon na punong-abala sa mga ginaganap na pangkomunidad at mga organisasyong pangkomunidad na matatagpuan sa Mga Dagdag. Ang listahan ng mga ginaganap na pangkomunidad at mga kabakas sa komunidad ay mag-iiba habang ang mga bago ay idinaragdag at/o binabago.
PAGPAPALAHOK SA NEGOSYO
Ang County ng magtataguyod ng di-partidistang programang Gumaganang Demokrasya ng SOS sa pamamagitan ng social media. Ang programang Gumaganang Demokrasya ay nagkakaloob ng pagkakataon sa mga negosyo, ahensiya ng pamahalaan at mga di-nagtutubo na makipagtulungan sa SOS upang humimok ng mas malaking paglahok sa pamamagitan ng mga inisyatibong idinisenyo upang itaas ang pagpaparehistro ng botante at pagboto ng botante sa mga empleyado at bumobotong publiko.
MGA KASAMA SA KOMUNIDAD
Ang Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan ay nagkaloob ng impormasyon tungkol sa bagong modelo ng pagboto sa higit sa 200 Kasama sa Komunidad upang tumulong sa pag-abot sa botante. Ang mga kinatawan sa halalan ay dumadalo sa mga ginaganap sa komuniddad, gumagawa ng mga presentasyon sa mga organisasyon, at nagsasanay sa mga interesadong indibidwal at grupo upang tumulong sa edukasyon at pag-abot. Ang mga gaganapin sa komunidad, mga kasama sa komunidad, at mga kontak na opisyal sa halalan ng lungsod ay matatagpuan sa Mga Dagdag. Ang mga listahang ito ay maaaring magbago habang ang mga bagong gaganapin at mga kasama ay idinaragdag at/o pinapalitan. Ang mga karagdagan ay tinatanggap sa mga listahang ito.. Ang listahan ay isasapanahon sa www.smcacre.org.
Ang County ay nagdagdag ng mga organisasyon sa kolehiyo, mga beterano at ibang mga grupo ng pagtataguyod sa listahan nito ng mga kasama sa komunidad. Ang mga kasama sa komunidad ay maaaring tumulong sa mga simpleng paraan tulad ng paglalagay ng polyeto sa isang opisina, kabilang ang artikulo sa isang newsletter ng organisasyon o website, o hingin sa isang kinatawan sa mga Halalan na magharap ng impormasyon tungkol sa VCA sa mga kliyente, miyembro, at/o residente. Ang mga kasangkapang pang-edukasyon, kabilang ang isang presentasyon, polyeto, at mga madalas itanong, ay nakahanda para i-download mula sa website sa Halalan ng County o mga kopya ay makukuha mula sa lokasyon sa Tower Road ng Dibisyon. Ang isang online na toolkit ay magsasama ng mga mensahe, grapiko, at ibang mga tagatulong na maaaring ibagay para sa iba't ibang mga pangangailangan.
Ang mga kinatawan ng county ay patuloy na bibisita sa mga lokal na mataas na paaralan upang irehistro o maagang irehistro ang mga estudyante at bigyan sila ng kaalaman tungkol sa modelo ng halalan ng VCA. Habang ang mga kolehiyo sa county ay wala sa regular na sesyon sa panahon ng pagboto para sa Halalan ng Ika-5 ng Hunyo 2018, ang Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan ay magbibigay ng impormasyon nang maaga sa mga interesadong organisasyon sa kampus.
UGNAYAN NG INDIBIDWAL NA BOTANTE
Ang mga aktibidad na pag-abot at edukasyon ay hindi limitado sa mga organisasyon. Ang mga indibidwal na botante ay maaaring maglingkod bilang bahagi ng ugnayan ng suporta upang alertuhan ang Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan sa mga hadlang sa pagboto at magkaloob ng mga solusyon upang matiyak ang malawak na kamalayan sa bagong modelo ng pagboto. Ang Dibisyon ay bumubuo ng isang porma ng kontak sa website nito para sa layuning ito at magbibigay impormasyon sa kontak sa opisina sa mga Sentro ng Pagboto upang tumanggap ng mga komento.
Ang mga botanteng dadalo sa mga talakayang pang-edukasyon ay aalukin ng mga tsapang isusuot na may pahayag na tulad ng, “Tanungin ninyo ako tungkol sa Mga Pagpili ng Botante ng County ng San Mateo – pagpili kung kailan, saan at paano boboto.”
Sa hinaharap, ang Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan ay maaaring lumikha ng isang Komite sa Paglahok ng Botante upang magpokus sa pagharap sa mga hadlang sa pagboto at mga solusyon upang matiyak ang malawak na pagpapakita ng botante.
MGA BOTANTENG DI-INGLES ANG PINILI
Bilang bahagi ng mga pagsisikap sa pag-abot, ang County ay magpapatuloy at palalawakin ang pag-abot nito sa mga botante na mas gustong gumamit ng isang wikang iba sa Ingles.
Ang isang pagpapalabas ng balita, ipinamamahagi sa lahat ng media na naglilingkod sa mga residente ng County ng San Mateo, ay magpapahayag ng walang-bayad na nakahandang linya ng tulong sa botante, na magkakaloob ng mga serbisyo sa iba't-ibang wika. Bilang karagdagan, ang mga anunsiyo sa Kastila, Tsino, Filipino at Koreano na media ay bibilhin upang itaguyod ang nakahandang linya ng tulong.
Ang mga Sentro ng Pagboto na nangangailangan ng tulong sa wika ay natukoy na ng Kalihim ng Estado ng California sa pamamagitan ng mga datos ng Sensus ng U.S. Ang karagdagang pagtukoy ay sa pamamagitan ng proseso ng komento ng publiko, kabilang ang komentong ibinigay ng LAAC ng County.
Ang mga kasamang media, kabilang ang di-Ingles na media, ay nasa Mga Dagdag. Ang County ay nagsama ng karagdagang kasamang media mula sa mga komento ng publiko sa Burador na EAP.
MGA BOTANTENG MAY KAPANSANAN
Ang County ay may matagal nang pagtatalaga ng sarili sa pakikipagtulungan sa mga botanteng may kapansanan upang itaas ang paggamit ng demokratikong proseso. Ang website ng Pagpaparehistro at mga Halalan, www.smcacre.org, ay nagkakaloob ng impormasyon at tagatulong para sa mga botanteng may kapansanan, kabilang ang mga detalye sa Mga Yunit ng Paggamit ng May Kapansanan ng eSlate, sa Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, sa mga iniaatas na Magagamit na Kaugnay ng ADA para sa mga Sentro ng Pagboto at sa VAAC. Ang County ay nagbibigay rin ng impormasyon tungkol sa mga tagatulong na ito sa mga ospital ng nagpapalakas, Lighthouse for the Blind at Visually Impaired, Vista Center for the Blind, Santa Clara Valley Blind Center, Center for Independence of Individuals with Disabilities, San Francisco Independent Living Resource Center at Peninsula Volunteers – Meals on Wheels.
Ang isang pagpapalabas ng balita, ipinamamahagi sa lahat ng media na naglilingkod sa mga residente ng County ng San Mateo, ay magpapahayag ng walang-bayad na nakahandang linya ng tulong sa botante, na magkakaloob ng mga serbisyo sa mga taong may kapansanan sa pandinig.
Ang mga botanteng may kapansanan ay maaaring humiling sa County na maghatid ng isang balota sa kanilang bahay, o padalhan sa kanilang bahay ng isang makina sa elektronikong pagboto. Ang mga botanteng may kapansanan ay maaari ring gumamit ng kanilang personal na kompyuter upang i-download at markahan ang kanilang balota sa pamamagitan ng Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Ang mga tauhan ng Sentro ng Pagboto ay maaari ring magdala ng isang papel na pamalit sa balota o ng Yunit ng Paggamit ng May Kapansanan ng eSlate sa isang sasakyan para sa pagboto sa gilid ng bangketa.
Karamihan ng mga Sentro ng Pagboto ay mararating sa pamamagaitan ng Sam Trans, serbisyong bus ng County ng San Mateo. Ang mga taong may kapansanan na hindi kayang mag-isang gumamit ng regular na serbisyong bus ng Sam Trans, paminsan-minsan o kahit kailan, ay may makakagamit ng paratransit. Ang San Mateo County Transit District ay nagkakaloob ng paratransit gamit ang Redi-Wheels sa bandang look ng county at RediCoast sa bandang baybayin. Ang mga pasahero ay maaaring magpareserba ng biyahe na maaga ng isa hanggang pitong araw. Ang Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan ay nakikipagtulungan sa Tagapag-ugnay ng Paratransit upang palawakin ang mga pagkakataon sa pagboto para sa paglilingkod sa mga taong may kapansanan.
Ang isang botanteng may kapansanan ay maaaring makipag-ugnayan sa Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan upang makipag-ayos at magbayad para sa mga serbisyong transportasyon upang magkaloob ng isang balikang sakay (sa loob ng county) kung hindi sila nakapagreserba ng biyahe sa pamamagitan ng paratransit patungo sa pinakamalapit na Sentro ng pagboto.
PAGTUGON SA MGA PAGKAKAIBA SA PAGLAHOK
Ang mga mamamayan ay maaaring magparehistro para makaboto nang deretso sa registertovote.ca.gov o maaaring pumunta sa website sa pagpaparehistro ng botante ng estado sa pamamagitan ng isang pagkakaungay mula sa website ng Mga Halalan ng County, www.smcacre.org. Ang mga mamamayan ay maaaring kumuha ng porma ng pagpaparehistro ng botante sa Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan, mga City Hall, aklatan at tanggapan ng koreo sa buong County. Ang mga ahensiya ng county na naglilingkod sa mga sambahayang maliit ang kita at mga indibidwal na may kapansanan ay nagkakaloob ng mga porma sa pagpaparehistro ng botante sa kanilang mga kliyente. Ang Kagawaran ng mga Sasakyang De-motor (Department of Motor Vehicles, DMV) at Kalihim ng Estado ay nagtatrabaho upang magtatag ng isang bagong Programang Motor ng Botante ng California gaya ng nilinaw ng AB 1461. Ang bagong programang ito, habang nasa mga transaksiyon sa DMV, ay awtomatikong magrerehistro sa sinumang taong kuwalipikadong bumoto maliban kung pinili ng taong iyon na hindi magparehistro. Ito ay inaasahang magsimula sa Abril 2018. Gayon din, ang Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan ay magpapakoreo ng porma ng pagpaparehistro kapag hiniling.
Ang Kalihim ng Estado ay nagkakaloob ng mga tagatulong na kaugnay ng Pambansang Batas sa Pagpaparehistro ng Botante (National Voter Registration Act, NVRA) at pagsasanay sa mga ahensiya ng County na naglilingkod sa mga residenteng maliit ang kita at mga indibidwal na may kapansanan. Ang mga ahensiyang ito ay kabilang ang, pero hindi limitado sa: CalFresh CalWORKs, Medi-Cal, Women, Infants, and Children (WIC), In-Home Supportive Services, Covered California, palitan sa benepisyong pangkalusugan ng California, Kagawaran ng Rehabilitasyon-Mga Bokasyonal na Serbisyo, Independiyenteng mga Sentro ng Paninirahan, Mga Panrehiyong Sentro ng Kagawaran ng mga Serbisyong Pagpapaunlad, mga Opisinang nakikipagkontrata sa Opisina ng Paggamit ng Bingi, mga kagawaran ng kalusugan ng isip at asal ng Estado at County, at mga pribadong manggagamot na nagkakaloob ng mga serbisyo sa ilalim ng kontrata sa mga kagawarang ito. Ang County ay magbibigay ng karagdagang impormasyon at pagsasanay kapag hiniling sa mga tagapag-ugnay at tauhan sa mga ahensiya.
Kabilang sa burador na EAP ang anim sa walong pangunahing ahensiya ng serbisyo na nagkakaloob ng mga serbisyong pangkaligtasan sa mga residente ng San Mateo (Coastside Hope, El Concilio of San Mateo County, Fair Oaks Community Center, Pacifica Resource Center, Puente de la Costa Sur, at Samaritan House). Idinagdag ng binagong burador na EAP ang Daly City Community Service Center at YMCA Community Resource Center.
Ang County ay palagiang nagbibigay ng impormasyon sa mga karapatan sa pagboto at mga halalan sa Opisina ng Syerip upang ibahagi sa mga bilanggo sa mga pasilidad ng pagwawasto ng county. Ang impormasyon ay ibibigay rin sa Service League of San Mateo County para sa mga bilanggo at sa Service League at David E. Lewis Community Reentry Center para sa dating bilanggo.
Ang San Mateo County Transit District ay nag-aalay ng libreng shulttle na pangkomunidad sa Brisbane, Daly City, East Palo Alto, Foster City, Half Moon Bay, Menlo Park, San Carlos, San Mateo at South San Francisco. Bilang bahagi ng programang Get Up & Go, ang Peninsula Jewish Community Center (PJCC) ay nagpapatakbo ng murang pinto-sa-pinto, magagamitan ng silyang de-gulong na serbisyo ng bus at kotse para sa nakatatandang nasa hustong gulang na hindi nagmamaneho. Ang mga miyembro ng komunidad ay makakagamit ng online na mahahanapang tipunan ng datos na www.onecalloneclick.org, na pinananatili ng di-nagtutubong OUTREACH, upang makahanap ng mga serbisyo at makipag-usap sa isang tao o tawagan ang call mga OUTREACH Mobility Manager sa 408-436-2865 para sa isahang serbisyo.
Ang isang pag-aayos ng Lumilibot na Botohan ay ilalagay sa Pescadero at La Honda upang tugunan ang malalayong lugar kung saan ang isang pirmihang lugar ay hindi kailangan para sa maliit na populasyon.
MGA TUWIRANG KONTAK SA BOTANTE
Ang tuwirang kontak mula sa County patungo sa mga botante ay ang pinakamabisang paraan upang ipagbigay-alam sa mga botante ang tungkol sa Lahat ay Ipinakokoreong Balota na Halalan ng Ika-3 ng Nobyembre, 2015.
Tatlong postcard ang nakaplano upang ipagbigay-alam sa mga botante ang bagong modelo ng halalan, bilang karagdagan sa impormasyon sa Halimbawang Balota at Opisyal na Pamplet ng Impormasyon para sa Botante at Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Ang unang pagpapakoreo ay magbibigay ng impormasyon sa lahat ng nakarehistrong botante tungkol sa bagong modelo ng halalan. Ang ikalawang pagpapakoreo ay para sa mga botanteng hindi pa nakatanggap ng kanilang balota sa pamamagitan ng koreo upang alertuhan sila sa darating na pagpapakoreo ng balota at magkaloob ng impormasyon tungkol sa Sentro ng Pagboto. Ang ikatlong pagpapakoreo, sa mga panghuling araw bago ang halalan, ay para sa mga botanteng hindi pa nakapagpakoreo ng kanilang balota upang ipagunita sa kanila na gawin ito, magkakaloob ng impormasyon tungkol sa pagkuha ng pamalit na balota at mga lokasyon ng Sentro ng Pagboto.
Ang mga halimbawa ng mga postcard mula sa Lahat ay Ipinakokoreong Balota na Halalan ay kasama sa Mga Dagdag sa Plano.
MGA PAHAYAG NG SERBISYO SA PUBLIKO
Ang isang iskrip para sa TV ng Pahayag ng Serbisyo sa Publiko (Public Service Announcement, PSA) ay ipamamahagi na may paghiling ng mga biswal o nakalimbag na mga salita para sa mga botanteng bingi o nahihirapang makarinig. Ang isang iskrip sa radyo ay magsasama ng paghiling sa mga istasyon upang ilagay ang impormasyon sa kanilang mga kasamang website upang tumulong sa pag-abot sa mga botante.
Ang likhang sining ay makukuha mula sa County para sa paglilimbag at online na mga PSA, at para sa pamahalaan at mga kasama sa komunidad upang gamitin sa kanilang social media at newsletter. Ang mga Print PSA ay sasamahan ng isang paghiling na maglagay ng pahayag sa alinmang kasaping website na may audio para sa bulag at may kapansanan sa pandinig.
Ang County ay magkakaloob sa mga outlet ng media sa wikang Kastila, Tsino, Tagalog at Koreano na naglilingkod sa County ng San Mateo na may mga iskrip para sa mga PSA. Ang mga iskrip ay magbibigay ng impormasyon sa mga botante tungkol sa darating na halalan at magtataguyod ng walang-bayad na nakahandang linya ng tulong sa botante. Ang likhang sining ay makukuha rin.
BADYET
Ang Pambuong-estadong Tuwirang Primaryang Halalan ng Ika-5 ng Hunyo, 2018 ay pinaglaanan ng $241,000 para sa edukasyon at pag-abot sa botante. Bilang karagdagan, ang Dibisyon sa Pagpaparehistro at mga Halalan ay magkakaloob ng panloob na suporta para sa paghahanda ng mga materyal na grapiko at para sa pag-abot, mga pampublikong presentasyon at mga ginaganap na pag-abot sa komunidad.
Ang badyet ay magpapahintulot ng pagbili ng mga anunsiyo sa mga pahayagan, telebisyon, radyo at social media. Ang isang bahagi ng mga pondong ito ay ilalaan sa pagsasalin ng wika at paggawa ng braille. Ang badyet sa pag-abot ay hindi kasama ang mga gastos sa paglimbag at selyo para sa mga tuwirang pagpapakoreo sa mga nakarehistrong botante. Ang mga karagdagang pundo sa halagang $200,000 ay kakailanganing idagdag sa badyet ng Pambuong-estadong Tuwirang Primaryang Halalan ng Ika-5 ng Hunyo, 2018 para sa layuning ito.
Bilang karagdagan, ang koalisyon sa Pagpili ng Botante ng California ay nag-alay ng mga gawad sa mga organisasyong nakabase sa komunidad upang kunin ang kanilang suporta sa mga programang pag-abot kaugnay ng VCA. Ang impormasyon tungkol sa koalisyon ng Pagpili ng Botante ng California at sa kanilang mga gawad na programa ay maaaring makuha sa https://voterschoice.org/.