Makatanggap ng Balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
Ang bawat nakarehistrong botante sa County ng San Mateo ay tatanggap ng isang balota sa koreo simula sa 29 na araw bago ang Araw ng Halalan.

Ang balota ay darating sa isang sobreng katulad nito:
Sa loob ng pakete ng balota, matatagpuan mo ang:
- Iyong Opisyal na Balota
- Isang sobre ng pagbabalik na bayad na ang selyo
- Mga Tagubilin sa Pagboto
Ang paghahatid ng iyong balota sa pamamagitan ng koreo ay depende sa iyong lokal na serbisyo ng koreo. Kung hindi mo matatanggap ang iyong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo tatlong linggo bago ang Araw ng Halalan, maaari mo kaming kontakin sa iba’t ibang paraan:
- Sagutan ang Online Replacement Ballot Request Form.
- Tawagan ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo sa 650.312.5222.
- Mag-email sa amin sa registrar@smcacre.gov.
- Pumunta sa isang Sentro ng Pagboto sa o bago ang Araw ng Halalan.