Sistema ng Dominion Democracy Suite
Sa Sentro ng Pagboto, may opsyon ang mga botante na magmarka sa papel na balota o gumamit ng bagong touchscreen ballot marking tablet para markahan ang kanilang balota.
Ang bawat Sentro ng Pagboto ay mayroong maraming magagamit na istasyon ng pagboto na binubuo ng modernong touchscreen ballot marking tablet at indibidwal na printer. Nagbibigay ang mga makinang ito ng simple at madaling maunawaan na interface para sa mga botante. Hindi tulad ng dating ginamit na direct-recording electronic na voting machines, ang mga ballot marking tablet ay hindi elektronikong nag-iimbak ng mga seleksyon ng mga botante.
Pagkatapos nilang markahan ang kanilang mga balota, ipi-print ng mga botante ang kanilang balota mula sa printer sa loob ng kanilang booth ng pagboto. Ang mga nai-print na balota ay naglilista ng mga pinagpilian ng mga botante kasama ang ligtas na bar code. Pagkatapos ay idideposito ng mga botante ang kanilang balota sa Kahon ng Balota.
Video – Paano Bumoto Gamit ang Ballot Marking Tablet
Filipino Video – Paano Bumoto Gamit ang Ballot Marking Tablet
Kung sakaling piliin ng botante na manual na kumpletuhin ang kanilang balota, ang wastong balota para sa bawat botante ay ipi-print. Nang matapos markahan ng botante ang balota, idinideposito ng botante ang balota sa Kahon ng Balota.
Ang mga Kahon ng Balota ay ibinabalik sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo, kung saan ang mga central high-speed scanner ay nagbibilang ng mga papel na balota at tinatala ang mga boto. Habang sinusuri ang mga balota sa panahon ng pag-canvass, gumagawa ang sistema ng kumpletong audit trail na dinudokumento kung papaano binigyang kahulugan at tinala ang bawat marka sa bawat balota.