Totoo ba na ang mga listahan ng pagpaparehistro ng botante ay ginagamit upang pumili ng mga mamamayan para sa paglilingkod sa lupon ng mga tagahatol?
Oo. Ang Mga Batas ng Estado California ay nag-aatas na ang mga listahan ng mga nakarehistrong botante ay ibibigay sa Komisyoner ng Lupon ng mga Tagahatol upang gamitin para sa pagpili ng isasama sa lupon ng mga tagahatol.
Bakit ako tumatanggap ng maraming tawag para sa lupon ng mga tagahatol?
Ang Komisyoner ng Lupon ng mga Tagahatol ay pumipili ng mga tagahatol mula sa mga listahang ibinigay ng Department of Motor Vehicles at ng County Voter Registration Unit. Kung naiiba ang pangalan sa inyong lisensya sa pagmamaneho at file ng pagpaparehistro ng botante, maaari kayong tumanggap ng higit sa isang abiso. Upang remedyuhan ang sitwasyong ito, kumpletuhin ang isang bagong form ng pagpaparehistro ng botante na nakalimbag ang pangalan ninyo ayon sa inyong lisensiya at ibalik ito sa San Mateo County Registration & Elections Division sa 40 Tower Road, San Mateo. Maaari rin kayong muling magparehistro online sa Magrehistro para Bumoto.
Kung kanselahin ko ang aking pagpaparehistro ng botante, makakatiyak ba ako na hindi na tatanggap ng tawag para sa paglilingkod sa lupon ng mga tagahatol?
Hindi. Wala itong epekto sa mga hinaharap na pagtawag para sa lupon ng mga tagahatol. Ang Dibisyon ng mga Serbisyo ng Lupon ng mga Tagahatol ay humihiling ng listahan ng lahat ng mga aktibong botante. Ang batas ay nag-aatas din na ang mga listahan ng mga lisensiyadong driver, na nakuha mula sa Department of Motor Vehicles (DMV) ay ihahanda para sa Komisyoner ng Lupon ng mga Tagahatol.