Ilang selyo ang kailangan upang ibalik ang aking balota?
Hindi ninyo kailangang magbayad para sa selyo, o maglagay ng anumang mga selyo, sa sobre ng pagbabalik ng balota na kasama ng pakete ng Opisyal na Balota. Ang selyo para sa sobre ng pagbabalik ng Balota ay binayaran na ng Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo.
Gaano kahaba ang aking panahon upang ibalik ang aking balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo?
Ang mga balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay dapat matanggap ng Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan sa o bago ang 8 p.m. sa Araw ng Halalan, o matatakan ng koreo sa o bago ang Araw ng Halalan at matanggap sa loob ng 7 araw pagkaraan ng Araw ng Halalan.
Maaari ninyong dalhin ang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo sa alinmang lokasyon ng Sentro ng Pagboto bago ang 8 p.m. sa Araw ng Halalan, at ito ay isasama sa pagbilang. Ang impormasyon tungkol sa Sentro ng Pagboto ay matatagpuan dito.
Ano ang dapat kong gawin kung sa tingin ko na ang aking balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay hindi makakarating sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo bago lumampas ang deadline na 8 p.m.?
Hinihimok namin ang mga botante na nag-aalala sa pagdating sa tamang oras ng kanilang balota upang mapasama sa pagbilang na bumoto sa pinakamaagang panahon na magagawa. Bawat halalan ay may isang buwang panahon ng pagboto, nagpapahintulot sa mga maagang bumoboto na ipakoreo ang kanilang mga balota pabalik at tuntunin upang mapatibayan kung ang kanilang balota ay natanggap at isinama sa pagbilang. Ang mga botante ay maaari ring bumoto nang maaaga sa isang Sentro ng Pagboto o ihulog ang kanilang binotohang balota sa isang Opisyal na Kahong Hulugan ng Balota.
Ano ang dapat kong gawin kung hindi ko kayang ibalik ang aking balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo at masyadong huli na upang ipadala ito sa pamamagitan ng koreo?
Maaari kayong magbigay ng awtorisasyon sa sinumang tao upang ibalik ang inyong balota. Sa sobre ng pagbabalik, dapat ninyong ipirma ang inyong pangalan at isulat nang palimbag ang pangalan ng taong binigyan ninyo ng awtorisasyon na ibalik ang inyong balota. Ang taong iyon ay dapat ding pumirma sa nakalaang espasyo.
Kung naiwala ko ang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na ipinadala sa akin, makakakuha ba ako ng isa pa?
Oo. Tawagan/I-text ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo sa 650.312.5222 o mag-email sa registrar@smcacre.gov, at ang ikalawang balota ay ipapadala sa inyo. Maaari rin kayong pumunta sa isang Sentro ng Pagboto. Ang huling araw upang humiling na magpadala sa inyo ang isang pamalit na balotang pangkoreo ay 7 araw bago ang Araw ng Halalan. Kung hindi umabot, dapat kayong pumunta nang personal sa isang Sentro ng Pagboto.
Ako ay nasa labas ng bansa, at ang koreo ay mabagal. Maaari ba akong makatanggap ng isang balota nang mas maaga kaysa pangkaraniwang 29 na araw?
Oo. Pumunta sa website ng Pederal na Programang Tulong sa Botante at sundin ang mga direksiyon. Maaari kayong makatanggap ng isang espesyal na balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo nang kasing-aga ng 60 araw bago ang isang halalan.
Ako ay nasa sa ibang estado sa panahon ng halalan. Paano ko magagawang ipadala sa akin doon ang isang-beses na balota para sa halalang ito kung ako ay hindi isang botanteng militar o nasa ibang bansa?
Ang mga botanteng naglalakbay sa labas ng estado sa panahon ng halalan ay makakahiling ng isang isang-beses na balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na ipapadala sa isang pansamantalang mailing address (ang address kung saan kayo matatagpuan sa panahon ng halalan). Ang mga botante ay makakahiling ng balotang ito sa pamamagitan ng telepono, email, o ng aming website.
Paano ako magiging kwalipikado para sa katayuan na Permanenteng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo?
Sa ilalim ng California Voter's Choice Act, lahat ng mga nakarehistrong botante sa County ng San Mateo ay awtomatikong tatanggap ng isang balota sa koreo para sa pambuong-estado o pederal na mga halalan.
Kung humiling ako ng isang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, maaari ko bang baguhin ang pasiya at bumoto sa alinmang Sentro ng Boto?
Oo. Kung hindi pa ninyo naipapatala ang inyong balota para sa halalan, maaari kayong bumisita sa isang Sentro ng Pagboto upang kumuha ng isang pamalit na balota o bumoto nang personal. Ang naunang inisyu sa inyo na balota ay mawawalan ng bisa nang ma-isyuhan kayo ng pamalit na balota o kapag personal kayong bumoto.
Kailan sumasailalim sa pagproseso ang mga balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo?
Ang mga balotang pangkoreo ay sumasailalim sa pagproseso habang ang mga ito ay natatanggap sa koreo o kinukuha mula sa mga kahong hulugan ng balota. Mas maagang ipinakoreo ang balota o inilagay sa kahong hulugan mas tumataas ang kalamangan na ito ay isasama sa pagbilang na ipinapahayag sa Gabi ng Halalan.