Bakit natin binabago ang paraan ng ating pagboto? Ano ang mali sa naunang sistema?
Ang sistema ng pagboto na Hart-InterCivic, na binili noong 2006, ay mahusay na naglingkod sa County ng San Mateo, pero umabot na ito sa dulo ng kapaki-pakinabang na buhay. Dagdag pa rito, noong ika-27 ng Pebrero, 2019, ang Kalihim ng Estado ng California (SOS) ay nagpayo sa lahat ng Tagapagrehistro ng mga Botante na ang mga lumang sistema ng pagbotong hindi natutugunan ang kasalukuyang mga pamantayan sa sertipikasyon ng estado ay aalisan ng pagsertipika simula sa ika-27 ng Agosto, 2019. Ang ating sistema ng pagboto na Hart-InterCivic ay isa sa mga sistemang iyon.
Inaprubahan ng Lupon ng mga Superbisor ng County ng San Mateo ang isang kontrata upang umupa ng isang bagong sistema ng pagboto, tinatawag na Democracy Suite, mula sa Dominion Voting Systems, Inc., noong ika-9 ng Hulyo, 2019. Ang sistemang Democracy Suite ay unang ginamit sa halalan ng ika-5 ng Nobyembre, 2019.
Bakit pinili ng County ng San Mateo ang sistema ng pagboto na Democracy Suite mula sa Dominion?
Ang bagong sistema ng pagboto ng Dominion, tinatawag na Democracy Suite, ay isang sinertipikahan ng estado, lubos na pinag-isang plataporma ng sistema ng pagboto na nagkakaloob ng pinakamataas na antas ng seguridad sa halalan at kalinawan sa bumobotong publiko. Ang Dominion ay may subok na rekord ng nagawa sa California, matagumpay na pinatatakbo sa hindi bababa sa 40 county.
Mga pangunahing benepisyo ng Democracy Suite:
- Seguridad sa pagboto - sinertipikahan ng California SOS; kumpletong pagtunton para sa pagsusuri
- Pinahusay na karanasan ng botante - touch screen na Tablet ng Pagmarka ng Balota
- Pinahusay na mga serbisyo - mas madaling pagsusuri ng balota
- Mas mabilis na pagproseso at pag-scan ng mga balota
Paano pinili ang sistemang Dominion Democracy Suite?
Noong ika-24 ng Enero, 2019, ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ay naglabas ng isang detalyadong pakete ng Paghiling ng Impormasyon (RFI) sa mga kwalipikadong vendor ng sistema ng pagboto. Sa 30-araw na panahon ng RFI, tatlong kwalipikadong vendor ang tumugon sa RFI.
Ang mga vendor na ito ay:
- Dominion Voting Systems, Inc.
- Hart-InterCivic, Inc.
- Election Systems and Software, LLC
Ang lahat ng vendor ay sumailalim sa isang mahigpit na paligsahang proseso ng pagsala kabilang ang mga detalyadong mungkahi, demonstrasyon sa lugar at isang masusing pagsusuri ng aming mga nagpapayong komite at tauhan sa pagboto. Ang aming mga nagpapayong komite ay ang Komite ng Pag-abiso sa Accessiblity sa Pagboto (VAAC), Komite ng Pag-abiso sa Accessibility ng Wika (LAAC), Komite ng Pag-abiso sa Kaalaman at Outreach para sa Botante (VEAOC).
Pagkatapos ng pagtasa ng mga mungkahi at pagsaalang-alang ng ambag mula sa aming mga nagpapayong komite, ang aming Komite sa Pagpili ng Sistema ng Pagboto, binubuo ng aming tauhan, ay lubos na nagkakaisang inirekomenda ang pagpili sa Dominion Voting Systems.
Madali bang gamitin ang bagong sistema ng pagboto?
Oo. Ang bagong mga Tablet ng Pagmarka ng Balota ay madaling gamitin na mga touchscreen at idinisenyo na maging lubos na madaling maintindihan at magamit.
- Sa isang istasyon ng check-in ng Sentro ng Pagboto, kayo ay iisyuhan ng isang kard ng pagsasaaktibo
- Ipasok ang kard sa paanan na humahawak sa Tablet ng Pagmarka ng Balota
- Iakma ang sukat ng laki ng teksto at liwanag ng screen gaya ng kailangan; maaari ninyong baguhin ang wika mula sa Ingles at gawing Espanyol o Tsino
- Upang sumulong sa susunod na paligsahan, pindutin ang “Susunod” sa ibaba ng screen
- Sa sandaling nasisiyahan ka na sa mga ginawang pagpili, pindutin ang pinal na “I-print ang Balota”
- Ang inyong balota ay ipi-print sa inyong kubol ng pagboto. Kunin ang balota at ihulog ito sa Kahon ng Balota
Mga Tagubilin sa Pagboto
Paano Bumoto sa isang Tablet ng Pagmarka ng Balota
Video: Paano Bumoto sa isang Tablet ng Pagmarka ng Balota
Ako ay isang botante na may mga pangangailangan na kaugnay sa accessibility. May mga tauhan ba doon na tutulong sa akin na gamitin itong bagong sistema?
Ang Tablet ng Pagmarka ng Balota ay tumutulong sa mga botanteng may kapansanan sa paningin sa pamamagitan ng paggamit ng balota sa audio format sa panahon ng Sesyon ng Madaling Pagboto. Ang mga headset ay nagbibigay sa mga botante ng mga maririnig na tagubilin upang gawin ang lahat ng mga aksyon, tulad ng pagpili ng wika, pag-aakma ng volume at bilis ng balota, at pagsuri, pag-edit o pagbabago ng isang isinusulat-lamang na pinagpilian.
Ang Audio Tactile Interface (ATI), isang hinahawakang kagamitan na ginagamit ng isang botante kapag nasa Sesyon ng Madaling Pagboto, ay ginagamit upang maglayag at gumawa ng mga pagpili sa balota ng botante.
Ang ATI:
- Ay may nakaangat na mga pindutan ng magkakaibang hubog at kulay, may Braille na mga numero at letra
- Maaaring gamitin ng isang kamay
- May dalawang 3.5 mm headphone jack, isa para sa mga headphone at isa para sa pantulong na mga kagamitan na tulad ng mga jelly switch, paddle o sip and puff na mga kagamitan
Ang mga bagong kubol ng pagboto ay idinisenyo para sa madaling paggamit. Ang screen ng Tablet ng Pagmarka ng Balota ay maaaring ikiling upang suportahan ang pagtingin mula sa alinman sa isang patayo o nakaupong posisyon.
Paano ko masisiguro na ang mga Tablet ng Pagmarka ng Balota ay wastong gumagana?
Bago ipatala ang anumang boto, ang mga Tablet ng Pagmarka ng Balota ay sinusubok upang masiguro na ang mga ito ay gumagana gaya ng inaasahan. Ang prosesong ito, na kilala bilang Logic & Accuracy (L&A) na pagsubok, ay tumitiyak na ang mga boto ay naibibilang kapag ipinatatala ang mga ito. Ang komprehensibong pagsubok at balidasyon ng sistema ay isinasagawa bago ang bawat halalan. Pagkatapos ng halalan, ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ay nagsasagawa ng manwal na pagbilang ng mga ipinatalang boto, na nagsisilbing pagsusuri upang patibayan ang mga resulta bago gawing opisyal ang mga ito. Maraming ibang mga katangiang para sa seguridad—pareho sa proseso at sa kagamitan at software—na itinayo sa loob ng ikot ng halalan.
Paano ko malalaman na ang aking boto ay wastong naitala?
Ang Tablet ng Pagmarka ng Balota ay naglilimbag ng isang balota, ipinakikita ang mga pinili ng botante. Pagkatapos ilimbag ang isang balota, maaaring suriin ng botante ang balota upang makumpirma na ang mga pagpiling ginawa ay wastong nakalista.
Mayroon bang papel para sa pagtunton ang Tablet ng Pangmarka ng Balota?
Oo. Ang balota ay ipini-print diretso mula sa bawat kubol ng Tablet ng Pagmarka ng Balota. Inihuhulog ng mga botante ang kanilang mga balota sa Kahon ng Balota. Ang mga Kahon ng Balota ay ibinabalik sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo, kung saan binibilang ng mga sentral na scanner ang mga papel na balota at itinatala ang mga boto. Habang ang mga balota ay sinusuri sa panahon ng pagbilang, ang sistema ay lumilikha ng isang kumpletong nagsusuring pagtunton na nagdodokumento kung paano ang bawat balota ay binigyan ng kahulugan at itinatala.
Sa kaso ng muling pagbilang, ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ay inaatasan ng batas ng estado na gumamit ng papel na rekord bilang opisyal na tala ng binilang na boto.
Paano kung ang muling pagbilang ay kailangan?
Kung nangangailangan ng muling pagbilang, ang mga papel na balota ay binibilang at sinusuri.
Paano ko malalaman na ang aking mga boto ay pribado?
Wala sa sistema na maaaring magkonekta sa iyo sa mga ibinoto.
- Ang Kard ng Botante na ipinasok ninyo sa Tablet ng Pagmarka ng Balota ay walang impormasyon tungkol sa inyo; ito ay nagsasama lamang kung aling istilo ng balota ang gagamitin mo, ipinapasiya ng address ng inyong tirahan.
- Ang Tablet ng Pagmarka ng Balota ay hindi nagtatala kung paano kayo bumoto; ito ay nagpapadala lamang ng inyong mga pinili sa printer.
- Ang balotang nilimbag ninyo, pagkatapos mong markahan ang inyong mga pinili, ay walang impormasyon na nag-uugnay sa inyo sa inyong balota.
Ito ay nangangahulugang walang nagpapakilalang impormasyon na nakatala sa inyong boto. Dahil dito, imposibleng matunton ang inyong boto.
Paano kung nagbago ang isip ko o nagkamali pagkatapos kong pindutin ang “Print Ballot”?
Gamit ang Tablet ng Pagmarka ng Balota, mababago ng isang botante ang alinmang boto anumang oras bago pindutin ang pinal na “Print Ballot.” Hanggang sa puntong iyon, pindutin lamang ang pagpiling ginawa mo upang alisin ang pagpili sa piniling iyon. Saka gumawa ng inyong bagong pagpili, sa pamamagitan ng pagpindot sa naaangkop na kahon. Ang mas maagang ibinoto ay mabubura at ang bagong pagboto ay itatala. Sundin ang mga tagubilin sa screen para sa gabay sa paggawa ng mga pagbabago sa iyong balota bago mo ilimbag ang iyong balota.
Kung natanto ninyo na nagkamali kayo pagkatapos na paglilimbag ng inyong balota, mangyaring kontakin ang isang Kinatawan ng Sentro ng Pagboto para sa tulong.
Paano kung gusto kong laktawan ang isang labanan?
Desisyon at karapatan ninyong pumiling hindi botohan ang alinmang labanan. Upang laktawan ang isang labanan, pindutin ang “Susunod” sa ibabang kanan ng Tablet ng Pagmarka ng Balota. Iyon ay magdadala sa inyo sa susunod na labanan. Pagkatapos ninyong botohan ang huling labanan sa balota, ang isang screen ng babala ay magsasabi sa inyo kung nilaktawan ninyo ang isang labanan o binotohan ang mas kaunti kaysa pinakamataas na bilang ng mga pagpili sa isang labanan. Magkakaroon kayo ng oportunidad na baguhin ang inyong mga boto at botohan ang naunang nilaktawan na mga labanan.
Paano kung aksidenteng bumoto ako nang dalawang beses sa isang labanan? Babalewalain ba ang aking boto?
Ang Tablet ng Pagmarka ng Balota ay hindi magpapahintulot sa inyo na bumoto nang dalawang beses sa kaparehong labanan maliban kung ang labanan ay nagpapahintulot ng dalawa o higit na opsyon. Ang sistema ay nakaprogama upang tumulong na gawin ang buong karanasan sa pagboto na madali at maayos, nagbibigay ng tulong kung kinakailangan. Ang mga dikta ay lilitaw sa screen kung may iba pang mga opsyon. Kung nagbago ang isip ninyo at inalis ang pagkakapili sa isa sa inyong mga opsyon, makakagawa kayo ng ibang pagpili.
Paano ko malalaman kung ang aking boto ay matatala?
Hindi katulad ng luma nating sistema ng pagboto, ang inyong boto ay hindi matatala hangga’t ideposito ninyo ang inyo balota sa Kahon ng Balota. Pagkatapos ninyong i-print ang inyong balota, siguraduhing ideposito ang inyong balota sa Kahon ng Balota bago umalis sa Sentro ng Pagboto.
Kung mawalan ng kuryente o magkaron ng problema ang makina, mawawala ba ang aking boto?
Hindi. Kung mawalan ng kuryente habang kayo ay bumuboto, hindi mawawala ang inyong mga piniling seleksyon sa Ballot Marking Tablet dahil sa backup na baterya. Mayroong Kinatawan ng Sentro ng Pagboto na tutulong sa inyong pag-print ng balota sa panahong walang kuryente o kung mayroong iba pang problema.