Sistema ng Pagboto na Dominion Democracy Suite
Ang Democracy Suite ay nagkakaloob ng mga bagong opsyon para sa accessible na pagboto.
Ang ballot marking tablet ay naglilingkod sa mga botanteng may kapansanan sa paningin sa pamamagitan ng balotang nasa audio format sa panahon ng sesyon ng accessible na pagboto. Ang isang headset ay nagkakaloob sa mga botante ng mga instruksyon sa audio upang gawin ang lahat ng aksyon, tulad ng pagpili ng wika, pag-aakma ng lakas at bilis ng balota, at pagsusuri, pag-edit at pagbabago ng isang isinusulat-lamang na pinili.
Ang Audio-Touch Interface (ATI) — isang hinahawakang device na ginagamit ng botante sa isang Sesyon ng Accessible na Pagboto — ay ginagamit upang maglayag at gumawa ng mga pagpili sa kanilang balota.
Ang ATI:
- Ay may mga nakaangat na buton na may magkakaibang hugis at kulay, may mga numero at letra sa Braille
- Mapapatakbo ng isang kamay
- Kabilang ang dalawang 3.5 mm headphone jacks, isa para sa mga headset at isa para sa mga pantulong na device tulad ng mga tactile switch, buton, at mga device na sip and puff
Ang mga bagong kubol sa pagboto ay idinisenyo para sa accessibility. Ang screen ng ballot marking tablet ay maaaring itagilid para sa pagtingin mula sa isang nakatayo o nakaupong posisyon.